Kay gandang TV host, deadma sa may sakit na ama!

ADVERTISING

NAKALULUNGKOT NAMAN kung hanggang ngayon ay dinededma pa rin ng kaygandang TV host ang kanyang amang may sakit.
At ang nakakalokah pa, nasa iisang bahay lang sila, huh!
Hindi namin alam kung ano ang pinagdaanan nang bongga ng TV host kasama ang ina at mga anak para hayaan nilang magdusa sa kanyang sakit na Parkinson’s disease ang ama ng kanilang tahanan.
Ayaw naman naming husgahan agad-agad ang TV host. Baka nga naging malupit sa kanila si Fadir kaya parang ibang tao ang trato nila rito sa bahay.
Nauna rito, just recently, ay itinakbo ng ama ang sarili sa ospital at ito ang nagmaneho.
Habang nasa ER, tinawagan ng doktor ang nanay ng TV host. Pero ang masaklap, ibinigay lang nito ang number ng hipag at doon na lang daw makipag-coordinate.
Kaya hanggang ngayon, puzzled kami kung ano ang napakalaking kasalanan ng ama sa kanyang mag-iina kumbakit ganon na lang ang trato nila rito.
Sana nga, magkaayos na at patawarin na nila si Ama, lalo na sa panahon ngayon na an’dami ng sakit ni Ama at kailangan ng kalinga.
Just wondering, apelyido lang ba ng ama ang literal na pinakinabangan ng mag-iina?

(By Ogie Diaz)

ADVERTISING
ADVERTISING