Katya Santos, Single and Happy!

ADVERTISING

Katya Santos, Single and Happy!HINDI MAN ACTIVE ang showbiz career ni Katya Santos, winner naman ang seksing actress sa mga shows here and abroad. Katakam-takam pa rin ang alindog ng dalaga, pinagpapantasyahan pa rin siya ng mga kalalakihan. Pinagnanasahan pa ring maangkin ang mapanukso  nitong kagandahan.

Kahit daring si Katya sa kanyang mga pelikula, kabaliktaran naman ang personalidad niya sa totoong buhay. Simple sa lahat ng bagay, walang arte sa katawan kaya maraming nagmamahal sa dalaga. Pagdating sa pakikipagrelasyon, seryoso ito pagdating sa lalaking mahal niya. Stick to one kung magmahal, bawat relationship n’ya’y tumatagal ng ilang taon. Masuwerte ang lalaking iibigin at mamahalin ng aktres.

This time, zero ang lovelife ni Katya. Pahinga muna si KS sa tawag ng pag-ibig. Ini-enjoy niya ngayon ang pagiging single, gaya nga ng nakuha naming litrato, kung saan masayang nakikipagharutan pa si Katya sa isang party. Walang muna siyang commitment sa kahit kaninong lalaki, naka-sentro muna ang kanyang atensiyon sa career at mga pangarap sa buhay. Well, she’s not closing her door sa mga guys na nais manligaw sa kanya. Kailangan nga lang, magkasundo sila sa maraming bagay at tanggap ang buo niyang pagkatao.

Oo nga naman!

ADVERTISING