Katrina, sobrang sikat, wala namang trabaho!

Katrina, sobrang sikat, wala namang trabaho!Katrina, sobrang sikat, wala namang trabaho!HINDI LANG SEX video scandal ang mainit na pinag-uusapan ngayon sa showbiz kundi itong kasong isinampa ni Yasmien Kurdi laban kay Baron Geisler at ang reklamo ng isang menor de edad na babae laban kay Aljur Abrenica.

Ang latest naman ngayon, ang away ng mag-inang Anabelle Rama at Ruffa Gutierrez na umabot sa paglalayas.

Kaya papansinin pa ba ang mga patutsada ng isang “has been” na Rosanna Roces? Naku, ‘day! May pabelat-belat pa siya nang hiningan ito ng mensahe para sa amin ni Vicki Belo.

‘Di ba dapat ang sarili niya ang pagbelatan dahil nasaan na ba siya ngayon? Sa kangkungan? Kaya pinipigilan ko na talaga na sagutin ang “has been” na iyan dahil wala naman, eh! Wala namang nagkainteres na panoorin at pakinggan ang mga sinabi niya.

Kaya huli na itong pagkomento ko tungkol sa kanya dahil hindi naman kapatul-patol. Sayang ang panahon, sayang ang espasyo sa column ko dahil sino pa ba ang interesado sa kanya? Belat!

UNTI-UNTI NA NGANG nagkaroon ng liwanag itong kasong ipinaglalaban ni Katrina Halili laban kay Hayden Kho, dahil isasampa na ito ngayon sa DOJ.

Ang tanong ng karamihan, hanggang kailan ganyan si Katrina? Kailangan naman niyang kumita dahil malaki na ang nagagastos niya sa kasong ito kahit marami naman ang tumutulong.

Ngayong linggo, darating na si Wilma Galvante galing sa ilang linggong bakasyon sa Amerika.Pag-uusapan na raw kung ano ang ibibigay na proyekto ng GMA 7 para kay Katrina.

Sabi naman ng abugado nito na si Atty. Raymund Palad, malapit na raw makabalik uli sa trabaho si Katrina dahil matagal daw ang trauma na pinagdaanan nito ngayon dahil sa eskandalong kinasangkutan niya.

Ngayong linggo, pag-uusapan na kung ano ang proyektong gagawin ni Katrina at baka nga matuloy na itong Angela Markado na matagal nang napabalitang ibibigay talaga kay Katrina.

Kung itutuloy nga ng GMA 7 ang proyektong ito, bagay na bagay ito kay Katrina dahil sa eskandalong kinasangkutan niya.

Tiyak na makaka-relate diyan si Katrina at bonggang-bonggang emote siya sa role na dating ginampanan ni Hilda Koronel.

Sana nga magkaroon na ng trabaho si Katrina para makabalik naman siya nang tuluyan. Sabi nga ng mga bakla: “Sobrang sikat nga ngayon si Katrina, wala namang trabaho!”

Mga Mata ni Lolita
by Lolit Solis