Katrina Paula, tuluyan nang iniwan ang sexy image sa bagong pelikula

ADVERTISING

Katrina Paula, tuluyan nang iniwan ang sexy image sa bagong pelikula

Katrina Paula
Katrina Paula

Sa mundo ng paggawa ng mga indie film ay angat ang pangalang Direk GM Aposaga, nahawakan lang naman niya si Nora Aunor sa pelikulang “Yolanda”, a directorial work na inakala niyang isang pangarap lang, pero nagkaroon ng katuparan.

Tubong San Juan, Batangas, malapit sa puso ng manunulat ding si Direk GM ang kabundukan at ang mga taong may payak na pamumuhay sa araw-araw. Ganito ang kasunod niyang obra, ang “The Story Of Love” na tumatalakay sa iba’t ibang anyo ng buhay mula sa paglalahad ng narrator nitong si Katrina Paula.

Yes, Katrina Paula has long shed off her sexy screen image as she takes on a serious role, na ayon nga sa paglalarawan ni Direk GM, “Isa siyang mahusay na aktres dito.”

With Ynez Veneracion, Via Veloso, Joross Gamboa, at marami pang iba in the cast, slated for commercial showing ang pelikula this June 22.

ADVERTISING

Samantala, true to the film’s riveting message about unconditional love, sa totoong buhay ay ganito rin ang itinatawid ni Katrina sa kaibigang Richard Pinlac na habang sinusulat namin ito ay nakikipaglaban pa rin sa kanyang sakit.

“Chardy, utang na loob, gumising ka na… hirap na hirap na rin ako!” may halong komedya ang panawagang ‘yon ni Kat.

Pepperoni
by Ronnie Carrasco III

ADVERTISING