Katrina Paula, Nahuli Na!

ADVERTISING

ITINANGGI NOON NG former sexy star na si Katrina Paula ang relasyon niya sa inaakusahang lider ng carnapping group na si Raymond Dominguez pero kamakailan lang eh, namataan ng mga mahadera ang pagbisita ng hitad sa nasabing suspek kung saan ito nakadetine. Samantala, dawit ang dating sexy star sa carnapping case. Ayon sa Special Investigation Task Group (SITG), kasama angnamesung ni Katrina sa mga kinasuhan sa pagpatay sa car traders na sina Emerson Lozano, Venson Evangelista, at sa empleyado ni Lozano na si Ernani Sensil. Aktibo raw umano si Katrina sa nagaganap na iligal na gawain dahil mismong ito raw ang sumusundo sa karelasyong suspek sa isang safehouse kapag may operasyon. Ganu’n? Afraid!

Pero teka, bago pa mahuli ng mga pulis itong si Katrina, nahuli na siya ng aming kamerang-gala na naglalamyerda sa bakuran ng Kapuso Network! Walang wanted-wanted sa amin, ‘no? I-huli-cam na ‘yan! Chos!

ADVERTISING

Photos by Luz Candaba

Ni MK Caguingin

Katrina Paula, Nahuli Na!

ADVERTISING

Hulicam
Pinoy Parazzi News Service

ADVERTISING