Katrina Paula, na-depress sa pagpapakasal ng dating live in partner sa ibang babae

Katrina Paula, na-depress sa pagpapakasal ng dating live in partner sa ibang babae

Katrina-PaulaGABI NG Biyernes ‘yon (September 18), kulang na lang ay magmistulang manananggal ang kaibigang Richard Pinlac who had to separate his upper body from his waist down para sabay niyang matutukan ang dalawang imbistasyon.

Una ay ‘yung ipinatawag niyang greet-and-meet the press para sa kanyang mga alagang sina Kikay at Mikay sa Music 21 Plaza sa Timog Ave., Quezon City. Pangalawa ay ‘yung a matter-of-life-and-death na pangngalampag kay Richard ng dating sexy star na si Katrina Paula.

“‘Chard, saan ba ang set ni Ate Gay tonight?” tanong ni Katrina na sinundan ng, “Alamin mo nga kung saan, gusto ko lang tumawa nang tumawa ngayong gabi.”

Fast forward. Dahil ipinagdiriwang ng ating mga kapatid na Muslim ang Hajj kaya idineklarang holiday ang September 25, exactly a week later ay kami muna ang pansamantalang naging ka-tandem ni Richard sa daily radio program nila ni Cristy Fermin sa Radyo Singko, ang Cristy Ferminute.

Bumagsak ang malakas na ulan pagkatapos ng programa, nakasilong muna kami ni Richard sa isang kalapit na resto while waiting for a taxi or trike ride patungong EDSA. But all that Richard was most concerned about ay mai-charge ang kanyang low-bat nang cellphone to keep his line of communication open with Katrina dahil magkikita sila (hindi kasi natuloy ang kanilang gimik a week ago).

But the ex-sex siren was in Manila, and coming from there amidst the heavy rains that often come with the horrendous traffic ay matatagalan pa: a meeting that would proverbially take all of 48 years.

While our heads were protected from the rain kung saan naghihintay nga kami ni Richard ng masasakyan, du’n na lang nabanggit ang dahilan kung bakit kating-kati si Katrina na makipagkita sa kanya en route to a comedy bar kung saan, “‘Chard, gusto ko lang tumawa nang bonggang-bongga.”

“‘Teh, nalulungkot kasi ang hitad. Kasi nito palang Sunday, ikinasal si Raymond (Dominguez, her live-in partner, na nakapiit pa rin ngayon sa bilangguan on carnapping charges. Ang bunsong anak ni Katrina is sired by Raymond) sa ibang girlalu. Depressed tuloy ang lola mo, kaya gusto lang niya ng kasama,” rebelasyon ni Richard.

Maya-maya, tumila na ang ulan. Muling nag-usap sa telepono sina Richard at Katrina finalizing where and what time sila magkikita nu’ng gabing ‘yon which, for sure, was an evening of effusive laughter like no other.

 

‘ETO ANG dapat abangan ngayong Linggo sa Ismol Family: makikipag-meeting ang Uncle Matty ni Ethan kay Bobong para pag-usapan ang sobrang paghihigpit ng huli kay Yumi na makipagkita sa binata.

Dusa si Ethan sa sobrang pagkakuripot ng kanyang tiyuhin: mula sa pagkandong sa kanya sa jeep hanggang sa pagbitbit nito ng isang maliit na bilao ng palabok bilang pasalubong sa meeting nila ni Bobong.

Nagngingitngit naman sa galit si Majay kay Jingo nang bumili ito ng mamahaling bike. Kaya noong magkita sila ni Matty, na dati niyang manliligaw from high school ay hinangaan ni Majay ang pagiging matipid nito, na ikinaselos ni Jingo.

Samantala, nag-iimpake si Mama A. nang hindi sinasabi kay Lance kung saan siya pupunta. He follows her with suspicion. ‘Yun pala, makikipagkita lang si Mama A. sa kumera niya para pumunta sila sa meet-and-greet/fans day ni Alden Richards.

Abangan ang lahat ng ‘yan sa Ismol Family this Sunday.

 

NAIS NAMING bigyang-daan ang isang text message mula sa aming dating entertainment editor sa Manila Standard na si JC Nigado, here goes:

Today’s traditional politician: TRA-POE.

Today’s Cancer: BINAY-NANT.

Today’s Political Re-run: ROXAS-BEEN.

Pepperoni
by Ronnie Carrasco III