Katrina Halili, umaasang mare-renew ang network contract sa GMA

ADVERTISING

Katrina Halili, umaasang mare-renew ang network contract sa GMA

Masaya si Katrina Halili para sa kanyang karir, ganu’n din bilang isa sa mga Kapuso actresses. Pero ngayon darating na April 2017, nakatakdang magtapos na ang network contract ng actress sa GMA.

Katrina Halili, umaasang mare-renew ang network contract sa GMA
Katrina Halili

Sa ngayon, hindi pa alam ng Starstruck alumna kung mare-renew ang kanyang kontrata o hindi. Kaya naman hangga’t hindi pa ito natatapos, ayaw muna raw isipin ni Katrina ang kanyang magiging hakbang.

Aniya, “Wala pa po, kasi hindi pa naman po tapos ‘yung contract. Ano po, pag-uusapan after April.”

Paano kung sakaling may magbigay sa kanya ng nakasisilaw na offer mula sa ibang network?

ADVERTISING

“Ayoko naman pong magpasilaw. Basta hindi ako papabayaan ng network, ‘di ba? Mananatili naman akong loyal. Pero kasi, hindi naman ako du’n sa silaw, e,” sabi ni Katrina.

“Kasi, ‘di ba? Parang siyempre, sa GMA ako tumanda na… I mean, du’n na ako nag-grow, so hindi naman nila ako pinabayaan kahit ano ang nangyari sa akin. So, magiging loyal po ako hangga’t bibigyan nila ako ng trabaho,” sey pa niya.

May bulung-bulungang tila may offer na sa kanya ang ibang network, kung sakaling matapos na ang contract niya sa GMA? “Wala pa! Buti pa kayo alam n’yo na…” sabay tawa niya. 

Samantala sa ngayon, nanatiling single pa rin si Katrina. Mas priority raw ng actress ang trabaho para sa kanya anak. 

Sa True Lang
by Throy Catan

ADVERTISING