Katrina Halili sizzles with new line of underwear

Premiere Shots
by Jean Oli

Unti-unti nang bumabango ang muntik nang nanamlay na karir ng two-time sexiest woman na si Katrina Halili dahil sa kontrobersiyang kinaharap noong nakaraang taon. At hanggang ngayon nga, paulit-ulit pa ring inuungkat ang naging relasyon ni Kat sa dating dyowa ni Dra. Vicki Belo na si Hayden Kho. Kabi-kabilang batikos at intriga ang ibinato at lumabas laban kay Kat, huh! Kaya naman pinagsisisihan na niya ang kung anumang maling nagawa niya noon, at ngayon nga, a sexier Kat is back with a vengeance! Taray lang!

Kamakailan lang, itong si Kat beybeh ang latest addition sa mga nagseseksihang modelo ng isang sikat na underwear. Sa katunayan nga, ni-launch si Kat nitong nakaraang Marso 21 lamang sa The Peninsula Manila Conservatory d’yan sa Makati. Isang bonggang launching ang ibinigay ng Bench Body para sa newest and hottest property nila, huh! S’yempre pa, rampa to the highest level ang ateh suot-suot ang mga bagong koleksyon ng Bench underwear. In fernezz, wala pa ring kupas sa kaseksihan si Mareng Kat! Siguradong pila-pila na naman ang magpapantasya sa kanya at hindi lang ‘yan, tiyak tatalon pa sa tuwa ang ating mga barakong kaparazzi dahil bukod sa napakaseksi ni Kat, aba’y sukat akalaing single at loveless ang lola n’yo? Hmmm…

Photos by FERNAN SUCALIT

Previous articleStars Candid: Krissa Mae, replaces Polo with another guy?
Next articleFocus: Bored on the House

No posts to display