Katrina Halili, nganga kay Kris Lawrence

ADVERTISING

Katrina Halili, nganga kay Kris Lawrence

Katrina-Halili-Kris-LawrenceHOW DECENT and refined of Katrina Halili para huwag nang gawing isyu ang umano’y ‘di pagbibigay ng sustento ng ama ng kanilang anak, ang R & B singer na si Kris Lawrence.

ADVERTISING

For a while, nawaksi sa aming isip ang kinasangkutan niyang sex video scandal perpetrated by Hayden Kho.

Mismong sa bibig na rin kasi ni Kat nanggaling that she and Kris are officially off. Bukod sa irreconcilable differences na hindi na niya idinetalye ang dahilan ng kanyang pakikipaghiwalay kay Kris, Kat implied na kapwa sila kailangang kumilos to better their lives.

Karaniwan nang dahilan ang pagiging stagnant ng isang pagsasama that results in separation. During their happier times, kapansin-pansing parehong matamlay ang respective careers nina Kat at Kris. Kris, being the provider, did not seem able enough to fend for his mag-iina.

ADVERTISING

Asked kung nagbibigay ng financial support si Kris, Kat brushed it aside. Huwag na raw gawan ‘yon ng isyu which, to us, was the least any woman could do to also protect the father of the child.

Pero hindi man direktang inamin ng aktres, bingo, nganga si Kat!

 

SA DISIMULADONG paraan idinaan ni Joey de Leon sa Startalk nitong Sabado ang wastong pagbigkas ng apelyido ng newly-crowned representative natin to the Miss World in London on December 14, 2014 na si Valerie Weigman.

Sa local pageant kasi televised last October 12, panay ang bigkas ng “way-man” (long “a”) sa first syllable ng last name ni Valerie, when it should be pronounced as “why-man” (long “I”).

Twenty four yeas-old Valerie, a native of Camalig, Albay, was born to a German father.

Tito Joey should know. Naging segment host kasi ng Juan For All, All For Juan si Valerie ng Eat Bulaga. And having travelled the world, imposibleng hindi nakatapak si Tito Joey sa German soil, aside from being a walking Wikipedia in his own right.

 

DUE TO insistent public demand, nagsimula nang mapanood nitong Lunes (October 20) ang mga flagship programs ng TV5 na The Amazing Race Philippines 2 at Wattpad Presents sa late primetime slots. TARP 2 airs at 9 p.m. at sinusundan ng WP at 9:30 until Friday.

As of press time, sabik na sabik ang mga viewers at fans ng TARP 2 na malaman kung sino ang matatanggal sa ikalawang leg ng karera. In this challenge, nagkakalamat ang teamwork at strategies ng mga koponan. Natunghayan na ng mga manonood ang naganap na trayduran sa mga team sa kanilang unang U-Turn mark kung saan kailangan nilang bumoto ng kalabang team na pababalikin sa naunang detour mark para gawin muli ang isang challenge.

Samantala, tuloy naman ang romantic-comedy TV adaptations ng mga sikat na Wattpad novels sa TV5. Umere na ang much-awaited TV adaptation ng Wattpad love story na “Dyepni” starring husband and wife Alwyn Uytingco at Jennica Garcia.

Huwag palampasin ang back-to-back tandem ng reality, action, love at adventure sa bago nitong timeslot gabi-gabi sa TV5.

Pepperoni
by Ronnie Carrasco III

ADVERTISING