Katrina Halili, naghahabol pa rin kay Hayden Kho!

ADVERTISING

Katrina Halili, naghahabol pa rin kay Hayden Kho!

Katrina Halili, naghahabol pa rin kay Hayden Kho!

NA-DISMISS NA noon ang kasong isinampa ni Katrina Halili laban kay Hayden Kho kaugnay ng pagkalat sa internet ng kanilang sex video. Iniapela ito ng aktres at muli na namang na-dismiss kamakailan.

Wala raw kasing sapat na ebidensiya na si Hayden nga ang nag-upload at nagpakalat ng nasabing video. Pero balitang plano pa rin ni Katrina at ng abogado niya na maghain ng motion or reconsideration.

“She’s okay!” pahayag naman ni Kris Lawrence nang matanong namin tungkol sa kasalukuyang lagay ng girlfriend niyang si Katrina. “Everything is fine. Uhm… you know, she’s trying to move forward. Move forward and just keep going forward. We really didn’t talk about it that much. And… hindi naman kailangang problemahin. We’re in a new chapter in our lives.”

ADVERTISING

Mas gusto raw nilang ituon ang kanilang pansin sa magiging baby nila ni Katrina. September 17 nila inaasahang maipanganak ito.

“This is bringing so much happiness to us. You know… it’s such a blessing. And there’s no use of thinking negative things. So, it’s such a blessing in our lives. So we’re just gonna keep pushing forward. And it’s gonna beautiful. We’re both excited. May naisip na kaming pangalan… Katrence. Well it’s Katrina and Lawrence merged into one. And I wanted something unique na name kaya iyon ang naisip namin.”

Posible ba na matapos makapanganak si Katrina, sunod naman nilang pag-usapan ang pagpapakasal nila?

“Hindi pa namin napag-uusapan ang tungkol do’n. But… we’ll know when it’s time. We’ll know when it’s time.”

 

NA-SHELVED MAN ang seryeng dapat sana ay pagsasamahan nilang tatlo nina Aljur Abrenica ar Kris Bernal, hindi naman daw nadismaya si Rhian Ramos. Pero aminado siyang excited sana siyang makatrabaho ang dalawa.

“I don’t feel bad naman na pinalitan nila. In fact, kung feeling nila na hindi magwu-work, thankful ako na pinalitan nila. Imbes na itinuloy namin. Na baka hindi maganda ang magiging outcome.”

‘Yong Pinoy remake na ng Korean romantic-comedy series na Coffee Prince na ang gagawin nina Kris at Aljur. Si Rhian naman, isinama sa cast ng Indio kung saan parang magiging love interest siya ng bida rito na si Sen. Bong Revilla.

“Isa siyang epic na fantaserye. Pinaghalong action, fantasy, at saka lovestory. Sa pagkakalam ko sa role ko, isa akong diwata. Pero so far, wala pa akong natatanggap na script. And, well… siyempre senator si Bong Revilla, so marami rin siyang ibang kailangang gawin. So, dahil do’n, may mga parts ng show na talagang ika-can namin. So sisimulan namin siya hopefully this September o kaya October. Pero eere pa siya next year.”

Tungkol naman sa kanila ni KC Montero, they were just exclusively dating pa rin daw.

“Actually, it’s kind of unfair nga to him. Kasi I’m being very very careful. And hindi naman niya kasalanan ‘yon. So, parang… to an extent na puwede na-ting sabihing pinagbabayaran niya ‘yong kasalanan ng iba. Hindi naman niya kasalanan pero he’s been very patient naman. And alam niyang very cautious din ako ngayon. So, hindi kami nagmamadali. And I think ano… me and him kasi, we’re very honest with each other. And if ever na may problema siya with waiting, masasabi niya naman.”

Paano kung isang araw ay magsawa na si KC sa kahihintay sa kanya?

“Siguro… problemahin ko na lang kapag problema na! Hahaha! Sa ngayon, ini-enjoy namin kung anuman ‘yong meron kami. Yeah! And… everything is very light and happy,” kampanteng nasabi na lang ni Rhian.

Rubbing Elbows
by Ruben Marasigan

ADVERTISING