Katrina Halili, malabo nang makipagbalikan kay Kris Lawrence

Katrina-HaliliKUNG SI Katrina Halili ang tatanungin, tila malabo na ngang makipagbalikan ito sa ama ng kanyang anak na si Kris Lawrence. Pero kahit na anong pilit namin malaman ang dahilan, wala naman siyang masabi na hindi maganda laban sa ama ng kanyang anak. Basta ang sinasabi lang ni Katrina, naka-move na siya at wala na raw sa isip niya ang mag-entertain ng manliligaw. Wala rin daw siyang manliligaw ngayon.

Bukod sa nagpalit na siya ng mobile number, hindi na siya gumigimik sa mga bar at nagpupunta sa parties. ‘Yung mga kaibigan daw niya ay gusto siyang ipa-date sa mga kakilala ng mga ito, pero dinededma na lang daw niya. Wala na raw sa priority ni Katrina ngayon ang mga lalaki dahil ayaw na raw niya ng sakit sa ulo. Masaya at tahimik na ang buhay niya ngayon.

Masaya na siya ngayon dahil tuluy-tuloy na ang trabaho niya. Katatapos lang ng ginawa niyang serye sa GMA, isinalang na siya kaagad sa daytime series na Destiny Rose.

Bukod sa pag-aalaga sa kanyang anak, nag-ampon din siya ng mga kamag-anak na makasasama sa kanyang bahay para may makasama ang anak niyang si Katy. Ayaw kasi ni Katrina na hindi nila kadugo sa takot na balewalain lang ang anak niya. Sa ngayon, maliban sa pagte-taping, aligaga rin siya sa pagluluto sa bahay para sa mga kamag-anak na nakatira ngayon sa kanyang bahay.

Wala raw magiging problema sa kanya kung may kapalit na siya sa puso at buhay ni Kris Lawrence. Basta huwag lang daw kalilimutan ang kanilang anak.

Sa nagtatanong kung naging pabaya ba ang ama ng kanyang anak pagdating sa pagbibigay ng sustento kay Katy?

Pasado naman daw si Kris bilang ama ni Katy dahil good father ito at good provider ito financially sa kanilang anak.

Pero ang problema lang, hindi na raw talaga puwedeng magkabalikan sila ni Kris ngayon.

Oh. C’mon!
By Gerry Ocampo

Previous articleCesar Montano, wala nang atrasan bilang kapalit ni Robin Padilla sa pelikula
Next articleGMA, walang cable signal tuwing oras ng Eat… Bulaga!
SkyCable sa GMA: Maglabas kayo ng matibay na ebidensiya

No posts to display