Katrina Halili, kinumpirma na ang paghihiwalay nila ni Kris Lawrence

ADVERTISING

Katrina Halili, kinumpirma na ang paghihiwalay nila ni Kris Lawrence

Katrina-HaliliKINUMPIRMA NA rin ni Katrina Halili na hiwalay na sila ni Kris Lawrence, pero magkadamay pa rin sila sa pagpapalaki ng kanilang nag-iisang anak.

ADVERTISING

“Kapwa kami nagdesisyon ni Kris na maghiwalay at asikasuhin muna ang aming career. Nabibisita naman niya ang anak namin,” say ni Katrina sa kanyang bagong hairstyle.

Kaya naman daw siya nagpaigsi ng buhok ay gusto niya ng pagbabago sa kanyang buhay at isa na raw rito ay ayaw na raw muna niya ng boys.

Sa tanong kung paano ito tinanggap ng kanyang live-in partner na si Kris?

ADVERTISING

“Wala na siyang magagawa, hindi na smooth ang relationship, eh. Parang basta sabi ko, mas okey na ganito na lang muna, friends. Wala namang masama roon, eh, “ say ni Katrina.

Ayon pa kay Katrina, kaibigan na lang ang turing niya kay Kris at wala na raw ‘yung dating love. Pero okey na okey naman daw ang relasyon nila bilang magkaibigan. Araw-araw ay dumadalaw raw ito sa bahay para bisitahin ang anak.

Ngayon ay desidido na si Katrina na harapin muli ang showbiz career na napabayaan daw niya nang masangkot sa isang malaking eskandalo five years ago.

Sobrang apektado raw siya sa nangyari, to the point na nawalan na siya ng self-confidence at nawalan na rin ng drive na magtrabaho. Patuloy raw ang pag-aartista niya pero kung ano na lang daw ang ibigay sa kanya at hindi na naghahanap ng kung anu-ano.

Nagising na raw siya sa matagal na pagtulog.

Oh. C’mon!
By Gerry Ocampo

ADVERTISING