Katrina Halili, inililigtas na si Hayden Kho?!

ADVERTISING

Katrina Halili, inililigtas na si Hayden Kho?!

HINDI NA AKO nakadalo sa cremation ni Douglas nu’ng nakaraang Sabado dahil nasa Startalk ako nu’n.

ADVERTISING

Sa loob ng isang linggong pinaglamayan si Douglas, maraming nagkabati at talagang pinatunayan nitong peacemaker siya. Lahat naman ng nagmamahal kay Douglas na may mga kaaway, pinagbigyan siya dahil alam naman nilang gusto ni Dougs na magkabati silang lahat at hindi na nag-aaway.

Sa misa mismo nu’ng araw ng cremation ni Douglas, hindi inaasahang nagkabati sina Anabelle Rama at Jo-Ann Maglipon ng PEP.

May mga dalang payong at pamaypay na Zorro si Anabelle at ipinamigay niya ito sa mga dumalo roon. Kuwento ni Bisaya, lahat daw binigyan niya, alangan namang lagpasan niya si Jo-Ann kaya binigyan raw niya ito at sinabihang, “Ayan baka mainitan ka mamaya, gamitin mo ang payong at pamaypay na Zorro.”

ADVERTISING

Nabigla raw si Jo-Ann, hindi na siya nakaimik dahil kinantiyawan na siya ni Gelli na katabi niya.

Sabi naman ni Bisaya, nu’ng nabubuhay pa si Douglas, ‘yun daw ang ipinakikiusap sa kanya lagi, na makipagbati na kay Jo-Ann dahil malapit ito sa kanya. Alam daw niyang masaya na ngayon si Douglas, pero wala naman daw itong kinalaman sa kasong isinampa ni Richard Gutierrez laban kay Jo-Ann at sa iba pang taga-PEP. Kung ano man daw ang resulta ng kasong ‘yun, bahala na at wala raw itong kinalaman sa pagbibigay niya ng payong at pamaypay kay Jo-Ann.

Ang dami ngang nagkabati roon sa burol ni Douglas at sana nga tuluy-tuloy na ang pag-aayos nila. Lalo na itong kina Anabelle at Jo-Ann, pati na rin ang kina Gretchen Barretto at Nadia Montenegro.

Pagkatapos ng cremation nu’ng Sabado, napagdesisyunan ng pamilya ni Douglas na dadalhin ang abo nito sa tahanan nila sa Antipolo at sa resthouse niya sa Lucban, Quezon.

Sa 40th day ni Douglas na tamang-tama namang birthday niya, roon na raw nila ito ililibing sa Loyola Memorial Park.

Pero sabi naman ni Richard Gomez sa interview sa kanya sa Startalk, ang isa raw sa napagdesisyunan nila ay hahati-hatiin nila ang abo ni Douglas. Magpaparte raw sila kahit konti sa lahat na mga alaga nito at ang iba ay sa bahay nito sa Lucban. Pero depende pa rin iyan sa mga pamilya ni Douglas.

NALOKA ANG MGA staff ng Startalk nang biglang naglitanya ako sa Alok Bati ko na na-disappoint ako sa ginawa ni Katrina Halili na pati si Dra. Belo ay kinasuhan niya ng medical malpractice at gusto pa niyang ipasara ang Belo Medical Group.

Kasi naman, ang may kasalanan dito ay si Hayden at ‘yun ang dapat matanggalan ng lisensya.

Bakit sali-saliwa na ang isyu at hindi na nakatutok sa sex video? Ngayon pati ang Belo Medical Group ay pinag-initan pa ni Katrina at ng mga abugado niya.

Nakalimutan yata ni Katrina na siya ang may kasalanan kay Vicki, dahil siya naman ang naunang nang-agaw ng boyfriend ng iba. Kaya dapat na mapagsabihan ito at maklaro sa kanya, na sa sex video na kagagawan ni Hayden dapat siya naka-concentrate at hindi kay Vicki.

Mga Mata ni Lolita
by Lolit Solis

ADVERTISING