Katrina Halili, graduate na sa pagpapa-sexy

ADVERTISING

Katrina Halili, graduate na sa pagpapa-sexy

Katrina-HaliliGRADUATE NA raw si Katrina Halili sa pagpapakita ng kanyang alindog kaya ipinauubaya na niya sa mga baguhan ang pagpapaseksi.

ADVERTISING

Naranasan na raw niya ang tagumpay noon dahil sa super seksi niyang katawan. Ngayon ay mother na siya kaya kuntento na umaarte na lang sa mga teleserye.

“Nandito na ako sa point ng buhay na ang importante ay masaya kami ng anak ko. Basta importante na kaya kong buhayin si Katy at maging mabuting ina.

“Nagpapasalamat ako sa GMA kasi hindi nila ako pinabayaan. Hindi nila ako kinalimutang bigyan ng project. Pagkatapos nga ng Rich Man’s Daughter ay isinama nila ako sa Destiny Rose na tungkol sa isang transwoman,” say ni Katrina na super seksi at maganda pa rin.

ADVERTISING

Walang problema kay Katrina kahit puro kontrabida role ang ibinibigay sa kanya.

“Nasubukan ko na kasi ang magbida noon, tama na ‘yun. Kapag support ka lang kasi or kontrabida ay walang masyadong pressure. Hindi nakasalalay sa iyo ang takbo ng teleserye.

“Nag-e-enjoy naman ako, doing kontrabida roles. Dito naman ako talaga nakilala at minamani-mani mo lang, ‘di ba?” nakangiting say ni Katrina.

Samantalang hindi itinanggi ni Katrina na malabong magkasama sila muli ng ama ng kanyang anak. Pero hindi naman daw nagpapabaya ang ama sa pagbibigay ng suporta sa kanilang anak na si Katy.

Oh. C’mon!
By Gerry Ocampo

ADVERTISING