Katrina Halili, ‘di raw malaking isyu ang pakikipagbati kina Dra. Vicki Belo at Hayden Kho

Katrina Halili, ‘di raw malaking isyu ang pakikipagbati kina Dra. Vicki Belo at Hayden Kho

Katrina-HaliliAYAW GAWING malaking isyu ni Katrina Halili ang pagbabati nila nina Dra. Vicki Belo at Hayden Kho na naganap kamakailan sa isang restaurat sa Quezon City.

“Okey na po ang lahat. At least natuldukan na ‘yung isyu at ‘yung chapter na ‘yon ng buhay ko. Pare-pareho na rin naman kaming naka-move-on sa nangyari. Halos isang dekada na rin ‘yon,” pahayag ni Katrina sa amin.

Nirespeto naman namin ang pakiusap niya na huwag nang ungkatin pa ang detalye ng kanilang pagbabati.

“Basta nangyari po siya two weeks ago sa isang resto sa Quezon City. ‘Yon lang po ang masasabi ko. Para sa akin, it’s very personal po kasi. Ayoko namang masabihan na nag-iingay ako porke’t may teleserye akong bago,” sey pa niya.

Isa si Katrina sa cast ng The Richman’s Daugther na magsisimula ngayong Lunes at pinagbibidahan din ni Rhian Ramos, Glaiza de Castro, Mike Tan, at marami pang iba.

“Ang mahalaga ngayon, kahit saan kami magkasalubong at magkita, hindi na kami mag-iiwasan, kasi okey na. Hindi na kami maiilang sa isa’t isa.”

Samantala, nananatili namang single hanggang ngayon si Katrina. Naka-focus lang ang kanyang atensyon sa anak na si Katie at sa kanyang trabaho.

La Boka
by Leo Bukas