Katrina Halili, dedma sa pagbabalik ng medical license ni Hayden Kho

ADVERTISING

Katrina Halili, dedma sa pagbabalik ng medical license ni Hayden Kho

Katrina-HaliliSA JULY 17 daw ang dating ni Dr. Hayden Kho kasama si Dra. Vicki Belo galing London.

ADVERTISING

Nag-aral kasi du’n si Doc Hayden (Ayan ha? may Dr. na sa name niya ha?) ng Theology para sa pagka-pastor niya yata.

Malaki na nga raw ang ipinagbago niya kaya pawang pasasalamat sa Diyos ang statement nila sa kanilang Instagram.

Nagbigay ng statement ang kampo ni Katrina Halili tungkol dito dahil siya ang nag-file ng revocation, eh.

ADVERTISING

Sa ngayon kasi, si Katrina ay dedma na lang. Ayaw na niyang magsalita tungkol dito dahil sobrang nakapag-move on na raw siya. Ang abogado lang niyang si Atty. Raymund Palad ang nagbigay ng statement sa press.

Nu’ng nakausap ng Startalk si Atty. Palad, sinabi lang niya na hindi raw sila kontra sa pagkabalik ng lisensya ni Hayden. Ang ipinagtataka lang daw niya, napakabilis daw ibinaba ang desisyon na dapat daw meron pa ‘yang dalawang taong waiting period.

Isang taon pa lang daw pagkatapos nilang na-submit sa Court of Appeals, meron agad desisyon. Bongga, ‘di ba? Eh, alam n’yo na, ‘di ba? ‘Yun na!

Balak nga raw ni Atty. Palad na mag-file ng Motion for Reconsideration, pero tingin daw niya madi-deny din ‘yun. Alam n’yo na, ‘di ba?

Nagulat nga raw si Atty. Palad sa sobrang bilis na desisyon ng PRC dahil alam daw niya kung gaaano kabagal mag-decide ang naturang ahensya.

Pero at least masaya na ang lahat. Move on na lang! Sabi naman ni Katrina, nakapag-move on na siya at masaya na raw siya sa buhay niya. Ayaw na niyang ungkatin pa niya ito uli. Kaya quite na lang siya.

Mga Mata ni Lolita
by Lolit Solis

ADVERTISING