Katrina Halili, cover ulit ng men’s mag

Katrina Halili, cover ulit ng men’s mag

Katrina-HaliliPINAG-USAPAN NGAYON sa social media ang pagbabalik alindog ni Katrina Halili bilang cover girl ng January issue ng FHM. Matagal nang hindi naging cover girl si Katrina nang naturang men’s magazine dahil sa mga pinagdaanan nito sa buhay, six years ago. Isama na rito ang pagiging ina sa anak nila ng ex-boyfriend at live-in partner na si Kris Lawrence.

Noong maghiwalay sina Katrina at Kris last year, saka nagdesisyon si Katrina na ibalik ang dati niyang katawan dahil matagal na siyang kinukulit ng nasabing men’s magazine para maging cover girl. Inamin ni Katrina na tinanggihan niya ang maging cover girl dahil ‘di pa raw bumabalik ang kanyang confidence.

“Nang manganak kasi ako ay nahirapan talaga akong magpapayat ulit. Ayoko namang mag-shoot na hindi pa ako payat sa magazine. Saka hindi ko pa nararamdaman na bumalik na ang confidence ko sa sarili. Gusto ko ay ‘yung conviced ako na payat na ako at bumalik na ang dating figure ko.”

Ayon pa kay Katrina, wala raw kinalaman ang pakikipaghiwalay niya kay Kris sa pagbalik niya sa pagpapaseksi sa magazine.

“Tignan mo naman ang mga nakasabayan ko, sina Jennylyn Mercado at Yasmien Kurdi. May mga anak na sila pero ang seksi pa rin nila. Kaya doon na-boost ulit ang confidence ko. Kung kaya nilang magpapayat at maging seksi uli, kaya ko rin ulitin ‘yun,” nakangiting say ni Katrina.

Dahil sa tiyaga at sikap ay napatunayan nga ni Katrina na kaya niyang ibalik ang dating seksing katawan.

Sa isyu naman na baka magulat ang ex-boyfriend at live-in partner niyang si Kris sa ginawang pagpo-pose ng seksi sa mens magazine?

“Wala naman siyang magagawa, ‘di ba? Saka good friends naman kami ni Kris. Maayos naman ang arrangement namin kay Katy. Madalas naman siyang out of the country, pero hindi naman siya nagpapabaya sa anak namin,” pagtatapos ni Katrina.

Oh. C’mon!
By Gerry Ocampo