Katrina Halili, balik sa pagpapaseksi

Katrina Halili, balik sa pagpapaseksi

Katrina-HaliliBALIK NA ulit sa pagpapaseksi ang aktres na si Katrina Halili. Confident siyang nag-photo shoot para sa isang men’s magazine na naka-one-piece lang.

Agad na nilinaw ni Kat na hindi si Kris Lawrence at ang kanilang break-up ang dahilan kung bakit nagpapaseksi ulit siya.

“Wala naman siyang kinalaman dito. Gusto ko lang ipakita na kahit mother na ako ay naalagaan ko pa rin ang figure ko. Dati kasi kaya ayaw ko pang mag-pose nang seksi sa magazine kasi mataba pa ako. Hindi pa ako confident. Pero dahil nag-diet nga ako at nabawasan ng timbang kaya naging confident na ako,” paliwanag pa niya.

Until now ay magkaibigan pa rin daw sila ng ex-boyfriend niya.

“Lagi pa rin naman siyang tumatawag sa akin. Nangungumusta sa anak namin (Kate). Okey naman kami. Friends kami,” kwento pa niya.

Teka, after Niño ay ano kayang project ang ibibigay ng GMA-7 kay Katrina? Wish namin na mabigyan na ulit siya ng bagong teleserye.

La Boka
by Leo Bukas