Katrina Halili at Kris Bernal magtatapat ngayong gabi sa ‘Magpakailanman’

DALAWANG Starstruck graduates ang magtatapat ngayong gabi, July 17, sa bagong episode ng Saturday night drama anthology series na Magpakailanman.

Sina Katrina Halili at Kris Bernal ang dalawang babaeng sangkot sa isang love triangle sa pagitan ng legal na asawa at isang kabit. Si Martin del Rosario ang lalaking pag-aagawan at pagsasaluhan ng dalawang magandang babae.

Katrina Halili at Kris Bernal magtatapat ngayong gabi sa ‘Magpakailanman’
Kris Bernal and Katrina Halili in Magpakailanman

Sa dami ng artistang nanggaling sa Starstruck ay nanatiling fighting at aktibo pa rin sa showbiz ang dalawa. Mula sa first batch ng Starstruck si Katrina Halili kung saan nakasabayan niya sina Jennylyn Mercado, Cristine Reyes at Yasmien Kurdi. Hindi man si Katrina ang pinalad na manalo, naging winner pa rin ito sa kanyang showbiz career dahil naging paboritong sexy villain ito ng Kapuso network. Nagbida rin ito sa ilang pelikula, teleserye at naging in-demand cover girl noong kasagsagan ng mga men’s magazines sa bansa. Huli itong napanood playing a good mom role sa Primadonnas.

Kamakailan lang ay umingay ang pangalan ni Katrina nang matsikang ‘may something’ sila ni John Lloyd Cruz. Hanggang ngayon ay wala pang kumpirmasyon kung sino nga ba ang non-showbiz constant date ng hot momma.

On the other hand, tila nagbabalik-Kapuso rin si Kris Bernal. Katulad ni Katrina, hindi rin ito nanalo sa 4th season ng Starstruck Batch 4. Kahit na hindi niya naiuwi ang Ultimate Female Survivor (tinalo siya ni Jewel Mische), siya naman ang pinagtuunan ng pansin ng kanyang home network at bumida sa ilan sa top-rating Kapuso shows. Last year ay hindi ni-renew ng GMA Artist Center ang kontrata ni Kris kaya ito’y naging freelancer na. Natapos na niya ang TV5 short-lived series na ‘Ate ng Ate Ko’ at lumabas rin ito sa ‘Owe My Love’ nina Benjamin Alves at Lovi Poe for a special cameo.

 

Last week ay nabiktima si Kris ng isang babae na nagpadeliver ng mahigit 20 GrabFood orders na nagsi-datingan sa bahay nila mula 1PM hanggang 9PM. Nakipagtulungan naman ang Grab Philippines sa aktres at napag-alaman na marami na rin palang nabiktima ng nakakalokang modus na ito.

Panoorin ang bangayan sa pagitan nina Katrina Halili at Kris Bernal ngayong gabi sa Magpakailanman.