Katrina Halili at Jason Abalos, bida sa comeback episode ng ‘Tadhana’

ADVERTISING

SIMULA ngayong Sabado, October 3 ay fresh episodes na ang mapapanood sa weekly OFW-themed drama anthology na ‘Tadhana‘ na main host ang Kapuso Primetime Queen na si Marian Rivera. Hindi man ito tumuloy sa dapat sana’y comeback primetime series niya sa GMA na ‘First Yaya’ with Gabby Concepcion, mananatili naman bilang host ng Tadhana ang aktres dahil kering-keri ito gawin in a work from home set-up.

Katrina Halili at Jason Abalos, bida sa comeback episode ng 'Tadhana'
Tadhana presents WFH (Worst From Home) starring Katrina Halili and Jason Abalos with Ali Khatibi and Arny Ross

Para sa opening salvo ng much loved weekly show, isang kuwentong WFH ang ating matutunghayan pero ito’y may twist. WFH nga meaning ‘Work From Home’ ang bidang si Katrina Halili, pero naging ‘Worst From Home‘ ito dahil sa mapang-abusong asawa na ginagampanan naman ni Jason Abalos.

ADVERTISING

Trailer pa lang ay mababadtrip ka na sa karakter ni Jason dito. Nang tanungin kung ano ang challenges na kanilang kinailangang gawin sa ‘new normal’ na taping, kwinento ni Katrina na malaki ang adjustments sa paggawa ng mga maseselang eksena dahil under the new taping protocols, kailangan limitahan ang physical contact kaya para-paraan na lang kung paano gagawing katotohanan ang dapat ay romantic o physical scenes. Mabuti na lang at bihasa na bilang mga drama actors ang mga bida.

Maliban sa Tadhana ay magbabalik na rin sa regular taping sa Katrina para sa high-rating TV series nilang panghapon na ‘Primadonas’. Marami ang nag-aabang kung magtutuloy-tuloy ba ang love story sa pagitan ng karakter niya bilang Lilian at kay Wendell Ramos bilang Sir Jaime. O ‘diba, luma-loveteam pa rin?! Why not nga naman, ‘di ba?

 

ADVERTISING

Mapapanood na mamayang 3:15 PM pagkatapos ng Eat Bulaga ang comeback episode ng Tadhana. Kasama rin dito sina Arny Ross bilang mapanuksong kapitbahay at Ali Khatibi bilang thoughtful na kaibigan ni Katrina.

 

ADVERTISING