Katrina Halili and Hayden Kho, face off at the Senate

ADVERTISING

Katrina Halili and Hayden Kho, face off at the SenateKatrina Halili and Hayden Kho, face off at the SenateNAGSIMULA NA ANG public hearing sa Senado nitong sex video scandal ni Hayden Kho, kaya mukhang mahaba-haba pa ang tatakbuhin ng kuwentong ito.

Pati nga ako naimbitahan sa Senado pero ang abugado ko munang si Atty. Noel Malaya ang humarap dahil meron akong naunang commitment.

ADVERTISING

Patuloy pa rin ang paninira ng kampo ni Hayden kay Katrina Halili pati nga kay Sen, Bong Revilla at sa akin. Pero ang puno’t dulo pa rin ng gulong ito ay kung bakit bini-video ni Hayden ang mga kahalayan nito.

Ang dami pa ngang naglalabasang pangalan na meron din daw sex video kaya hinihintay na lang na meron pang lalabas para lalong idiin si Hayden.

Iyak nang iyak nga itong Hayden na nakikiusap sa akin na tigilan ko na raw ang pamilya niya. Siya na lang daw ang tirahin ko. Aba eh, ayaw din akong tigilan ng Nanay niya. Kaya kung patuloy sila nang paninira kay Bong at pati sa akin, hindi ko rin sila lulubayan.

ADVERTISING

Pinagdidiinan pa rin nilang orchestrated ko ito lahat at scripted daw ang mga sinabi ni Katrina at pati kay Bong.

Naaliw nga ako sa sagot ng abugado ni Katrina na mas scripted ang mga sinabi ng Nanay ni Hayden.Dahil hindi nga maganda ang kinalabasan ng unang interview niya sa TV Patrol, kaya nagpa-interview uli para kahit papano ay makabawi naman siya. Iyon ang scripted, ‘no!

Ang nakaiirita pa, nu’ng nakausap ko si Hayden, wala talaga akong nakitang remorse na pinagsisihan niya ang ginawang pag-video sa mga babaeng nakaulayaw niya.

Lalo na itong ina niya nu’ng magsalita, parang lahat ng taong involved ang may kasalanan, at ang anak lang niya ang biktima. Hindi man lang niya naisip kung ano kaya ang naramdaman ngayon ng ina ni Katrina at ng ibang babaeng nabiktima ng anak niya. Sa halip, lalo pang siniraan si Katrina na nagdala raw sa anak sa pagdu-droga.

Sinabi rin ng abugado ni Hayden na habang inilalabas namin sa media itong eskandalo nina Hayden at Katrina, lalong ini-exploit daw namin ang huli dahil nalalantad ito sa kahihiyan dahil laging pinag-uusapan.

Kung hindi naman namin ito ilalabas sa media, palagay n’yo ba mapapansin at mabibigyan ng hustisya ang kababuyang ginawa ni Hayden kay Katrina? Dapat talagang ilabas ito sa media para mapansin ng lahat at makita kung ano ang kasinungalingan at pinanggagawa nitong Hayden.

Marami pa akong nakalap na kuwento tungkol sa mga pinaggagawa nito, at darating din tayo riyan. Ikukuwento ko pa rin iyan at kayo na ang humusga kung sino ang nagsasabi ng totoo at kung sino ang mananagot sa ginawa nila kay Katrina at sa iba pang babaeng sangkot sa sa sex video na ‘yun.

Ang latest naman ngayon, nagdeklara na ang Palawan at Bohol na persona non grata si Hayden sa dalawang lalawigan.

Taga-Palawan si Katrina kaya sinusuportahan ng mga tagaroon ang ipinaglalaban ng seksing aktres at siyempre, kinukondena rin nila ang ginawa ni Hayden sa kanilang kababayan.

Ang Bohol naman ay napakarelihiyosong lugar kaya hindi raw nila matanggap itong ginawa ni Hayden.

Naku day! Paano pa iyan ngayon makapagbakasyon sina Hayden at Vicki sa Eskaya na malakas pa naman doon ang huli!

Mga Mata ni Lolita
by Lolit Solis

ADVERTISING