Katniel, dapat nang kabahan sa Jadine

ADVERTISING

Katniel, dapat nang kabahan sa Jadine

Daniel-Padilla-Kathryn-Bernardo-James-Reid-Nadine-LustreMUKHANG DAPAT ngang mabahala sina Daniel Padilla and Kathryn Bernardo kina James Reid at Nadine Lustre.

Sa nakita naming photo sa isang Facebook fan page site ay talaga namang nakabibilib ang dami ng taong dumagsa para panoorin ang kanilang mall show.

Record-breaking ang mall show ni James sa Robinson’s Iloilo. Aba, around 15,000 daw ang nanood sa binata. It was reported that it was a record-breaking feat dahil wala pang celebrity ang nakakuha ng ganoong audience record, si James pa lang. Hindi ba’t nakakaloka ang dami ng fans na humahanga kay James.

Hindi rin naman nagpatalo si Nadine. Napuno rin ang Ayala Fairview Terraces nang mag-perform siya nang solo recently.

ADVERTISING

Naku, hindi na dapat makampante ang KathNiel fans. Malaking threat na kasi ang JADINE love team sa kanilang idolo.

Actually, maganda nga na merong pang other love team na pambato ang Dos to keep Daniel and Kathryn on their toes.

Lex Chika
by Alex Valentine Brosas

ADVERTISING