Kathryn Bernardo, walang ibang gustong maging leading man kundi si Daniel Padilla lang

Kathryn Bernardo, walang ibang gustong maging leading man kundi si Daniel Padilla lang

Kathryn Bernardo
Kathryn Bernardo

Loyal talaga si Kathryn Bernardo sa ka-lovet eam na si Daniel Padilla. Sa tanong kasi sa kanya kung meron ba siyang ibang Kapamilya actors na type maging leading man, diretso ang sagot niya na kay DJ lang siya.

“Sa ngayon, si DJ (Daniel Padilla) muna,” sabi pa niya. Halos lahat ng leading men sa ABS-CBN, may mga kapareha na rin, eh,” patuloy pa niya.

May plano rin daw sila ni Daniel with regards sa pagtanggap nila ng mga matured roles.

“Napag-usapan namin ni Daniel na kapag mature roles na ‘yung ga­gawin namin, dapat ang mga supporters namin, mauunawaan at makakasabay.

“May mga bata rin kasi kaming mga fans, so, ayaw naman namin silang mabigla sa mga roles or projects namin. Gusto namin, sabay namin silang mag-grow.”

Regarding kissing scene with Daniel, napailing ang dalaga nang tanungin namin tungkol dito.

“Hindi muna. Kailangan ba? Mahirap si­mulan ang mga ganyan,” sabi pa ni Kathryn Bernardo.

La Boka
by Leo Bukas