Kathryn Bernardo, tinawag na “protector” si Daniel Padilla

Kathryn Bernardo, tinawag na "protector" si Daniel Padilla

Kathryn-Bernardo-Daniel-Padilla Kathryn-BernardoNag-enjoy nang husto ang isa sa hottest loveteam sa bansa na sina Daniel Padilla at Kathryn Bernardo na sabay na nagbakasyon sa Japan, kasama ang kani-kaniyang pamilya.

Kitang-kita nga sa mga post ni Karla Estrada ng picture ng dalawa sa Universal Studios na talaga namang naging masaya ang pamamasyal nina Kathryn Bernardo at Daniel Padilla sa mga magagandang lugar sa Japan.

Isa nga sa naging post ni Kathryn na talaga namang kinilig ang milyun-milyong tagahanga ng mga ito na si Daniel ang kanyang “protector”. Kaya naman tunay na matatag pa rin ang samahan ng dalawa in and out of showbiz .

Ang kanilang bakasyon ay nagsilbing break na rin sa dami at sunud-sunod na trabaho ng dalawa noong nakaraang taon (2015).

John’s Point
by John Fontanilla