Kathryn Bernardo, sumabak na rin sa hosting

Kathryn Bernardo, sumabak na rin sa hosting

Kathryn Bernardo
Robi Domingo and Kathryn Bernardo

From acting to singing at writer ng isang best-selling book, pinasok na rin ng Teen Queen na si Kathryn Bernardo ang hosting via Himig Handog P-Pop Love Songs 2016, kasama sina Robi Domingo, Liza Soberano, at Enrique Gil.
At kung iri-rate nga ang pagho-host ni Kathryn Bernardo ay pasado naman daw ito sa mga nakapanood nito.  Konting hasa lang daw ay kering-keri na ni Kathryn ang magkaroon ng kanyang sariling talk show.
Mabigyan nga lang daw ito ng mas maraming hosting job ng Kapamilya Network, paniguradong mas mahahasa ito at magiging mahusay sa liga nina Kris Aquino, Janice de Belen, Toni Gonzaga, Alex Gonzaga, at iba pa.

John’s Point
by John Fontanilla