Kathryn Bernardo, posible raw maging sila ni Daniel Padilla

ADVERTISING

Kathryn Bernardo, posible raw maging sila ni Daniel Padilla

Kathryn-Bernardo-Daniel-PadillaKIKILIGIN NA naman ang mga fans nina Daniel Padilla at Kathryn Bernardo sa biggest romantic film nilang She’s Dating The Gangster ni Direk Cathy Garcia-Molina under Star Cinema. Ito’y film adaptation ng bestselling Filipino novel ni Bianca Bernardino.

ADVERTISING

Kuwento nga ng writer, nang isinusulat niya ito, nasa isip agad niya bagay kina Daniel at Kathryn ang character nina Kenji at Athena, batang magkasintahan. Ipinaliwanag ni Ms. Bernardino na may kaunting pagbabago, maraming nadagdag para lalong maging realistic ang takbo ng istorya dahil pelikula nga ito. Naging maayos naman ang pag-uusap nila ni Direk Cathy. At sa tingin nga raw niya, mas lalong magugustuhan ng diehard Kathniel fans kapag pinanood nila ang pelikula. “Ang readers ko teenager, makare-relate ang mga mommy sa movie namin,” banggit ni Ms. Bernardino.

Subok na ang tandem nina Daniel at Kathryn sa top-rating at hit soaps na Princess & I at Got To Believe. Naging mega blockbuster din ang pelikula nilang Pagpag: Siyam Na Buhay sa Metro Manila Film Festival 2013. Hawak nito ang record bilang highest-grossing horror film na sumali sa MMFF.

Sobrang nag-enjoy sina Daniel at Kath habang ginagawa nila ang pelikula. Say nga ng young actor, “Dito na kami nag-mature ni Kathryn, binuhos na namin ang lahat para magustuhan ng manonood ang pelikula namin. Proud ako, habang ginagawa namin ito, marami akong natutunan kay Direk Cathy.”

ADVERTISING

Maging si Direk Cathy, happy sa kinalabasan ng pelikula nila nina Daniel at Kathryn. Naibigay raw ng dalawa ang gusto niyang mangyari sa bawat eksena. Lalo na raw ‘yung mga sweet moment nila, wala siyang kahirap-hirap idirek ang mga ito. Puro take one, alam na kasi nila kung ano ang gustong magyari ni Direk Cathy sa bawat eksenang kukunan.

“Feeling ko nga, parang bumata ako habang ginagawa ko itong pelikula namin nina Daniel at Kath. Napaka-professional nila, nag-level up na sila,” papuring sabi ng box-office director.

Kung si John Lloyd Cruz ang panganay ni Direk Cathy, si Daniel naman ang bunso niyang anak at baby nito.

“Playful pa rin sila sa set, makukulit, typical teenagers. Ini-enjoy ko talaga silang katrabaho, “turan niya.

“Hindi ka makakaramdam ng pagod habang nagtratrabaho dahil ito talaga ang gusto ko. Wala kang mararamdamang lungkot dahil lahat kami sa set masaya. Hindi nga nawala ang excitement ko kapag kasama ko si Kathryn,” say ng morenong actor na obvious naman in love sa kanyang loveteam.

Nagbigay rin ng comment si Kath about Daniel. “Nakita ko si DJ na nag-grow. Proud ako sa kanya dahil hindi siya nagbabago kahit marami na siyang nagawa. Hindi ako nagsasawang kasama siya.”

Palibhasa click sa masa ang tandem nina Daniel at Kathryn kaya’t sinasabing sila na ngayon ang bagong Judy Ann Santos- Piolo Pascual at Bea Alonzo-John Lloyd Cruz loveteam ng bagong henerasyon.

“Unique ang loveteam nina Daniel at Kath, Daniel is Daniel, iba siya. Hindi mo puwedeng i-compare kung kanino,” paliwanag ni Direk Cathy.

Paliwanag naman ni DJ, “Sina Piolo at John Lloyd, Judy Ann at Bea, inspirasyon sila. Hindi sila sumikat dahil magaganda sila at pogi. Sila ang inspirasyon namin ni Kath. Sana’y dumating ‘yung araw na maging katulad namin sila.”

Kahit alam nating may understanding na sina Daniel at Kathryn, wala pa ring pag-amin sa tunay nilang relasyon. Nakabitin pa rin sa ere kung anong stage na ang kanilang relationship. Pero very vocal naman si DJ na nag-iisa lang sa puso niya ang young actress.

Nang tanungin si Kathryn kung may posibilidad na maging real sweetheart sila ni Daniel. Mabilis ang sagot ng dalaga, “Oo naman.” ‘Yun na.

Kasama rin sa She’s Dating The Gangster sina Khalil Ramos, Sofia Andres, Pamu Pamorada, Marco Gumabao, John Uy, Alex Diaz, Igi Boy Flores at Yana Asistio. Special guests sina Richard Gomez at Dawn Zulueta.

AYAW Paawat!
by Eddie Littlefield

ADVERTISING