Kathryn Bernardo, pinaglaruan ng bashers ang kakatwang photo

Kathryn Bernardo, pinaglaruan ng bashers ang kakatwang photo

Kathryn-BernardoBIG DEAL para sa mga bashers ni Kathryn Bernardo ang kumakalat na photo niya sa social media.

It was made to appear kasi na katulad ng kanyang hawak na pliers ay sakang din si Kathryn. The Teen Queen was photographed while holding a pliers. Kuha raw ang photo sa latest endorsement ni Kathryn ng isang hardware brand.

Hindi namin alam kung true ngang pictorial ni Kathryn ‘yon for the popular hardware brand. Parang pothoshopped lang ang picture to make it appear na kagaya ng pliers ay magkahiwalay rin ang binti ng dyowa ni Daniel Padilla. Halata kasing pinaglaruan lang si Kathryn sa photo.

Ang dami nang naloka sa picture na ‘yon ng dalaga. Obvious kasing paninira lang iyon sa dyowa ni Daniel Padilla.

 

BILIB NA bilib kami sa young couple na sina Chito Miranda and Neri Naig. The couple wed for the second time sa isang simpleng garden wedding ceremony na ginanap sa Tagaytay City.

Nauna nang nagpakasal ang dalawa sa isang civil ceremony sa isang restaurant sa Taguig City. Si Mayor Lani Cayetano ang nagkasal sa dalawa.

So, why are we admiring the couple? Kasi naman ay napakasimple lang ng kanilang kasal, hindi nanghihinngi ng atensyon, hindi uhaw sa publicity. Unlike the forthcoming celebrity wedding na bawa’t kilos at galaw ng bride and groom to be ay naka-post sa social media at parang magiging circus na, ‘yung kina Neri at Chito ay very solemn, walang pretension, walang pagyayabang.

Lex Chika
by Alex Valentine Brosas