Kathryn Bernardo, pinag-aagawang iprodyus ng concert

Kathryn Bernardo, pinag-aagawang iprodyus ng concert

Kathryn-BernardoMATUNOG ANG tsikang magko-concert na rin daw ngayon si Kathryn Bernardo. At hindi lang daw isang producer ang nagbabalak. Yes, marami nga raw ang nag-aagawan.

Isang matunog ang tsikang magpoprodyus ay ang nag-iisang concert queen na si Pops Fernandez. Kung inyong natatandaan, si Pops ang producer ng concert ni Toni Gonzaga sa MOA Arena na naging super hit.

Kung sa bagay, sobrang hit naman ang album ni Kathryn. Ilang araw nga lang ay gold at platinum kaagad ang natamo nitong award. Kaya naman natutuwa na ngayon pa lang ang mga fans niya.

At sa Araneta nga raw o sa MOA Arena magaganap ang first solo concert niya. Naku, kung matutuloy ito, dapat na paghandaan ito ng dalaga. Or else…

by Fernan de Guzman
Fer ‘Yan Ha?!