Kathryn Bernardo, napabayaan na sa serye dahil kay Sue Ramirez?

ADVERTISING

Kathryn Bernardo, napabayaan na sa serye dahil kay Sue Ramirez?

Kathryn-BernardoNAGWAWALA ANG fans ni Kathryn Bernardo dahil mas pinapaboran na raw si Sue Ramirez kaysa sa idol nila sa Pangako Sa ‘Yo.

Nagreklamo ang isang KathNiel dahil si Sue na raw ang palaging nakababad ngayon sa mga eksena sa PSY. Si Sue kasi ang magiging third party wheel sa pagmamahalan nina Yna at Angelo played by Daniel Padilla.

Sa galit ng isang @_ashmarian, fan ni Kathryn, ay tinarayan nito si Direk Mae Cruz-Alviar. Sinabihan nitong may nakapapansin na parang pumapangit na ang PSY. She was saying this because of her love for Kathryn.

But her observation is baseless. Cute lang talaga ang mga eksena nina Daniel at Sue at selos na selos siguro ang fan na ito ni Kathryn. We felt na hindi naman pababayaan ng Dos si Kath, ‘no. Siyempre, pampagulo lang si Sue.

ADVERTISING

“As a filipino viewers. Ako nagagandahan sa story! mas gumanda! Madaming na kasing tao ang nagugustuhan si Sue kasi Magaling naman talaga sya. Anong gusto ng fans walang eenter na third party laging gusto nila puro kilig? Manahimik nga kayo mga KN fans mashado kayong demanding, yung bida nga hindi nsgrereklamo tas kayo puro complain. Halatang threatened kay Sue eh,” say nga ng isang regular viewer ng show.

Lex Chika
by Alex Valentine Brosas

ADVERTISING