Kathryn Bernardo, naluha sa birthday celebration na hatid ng NCF Philippines

Kathryn Bernardo, naluha sa birthday celebration na hatid ng NCF Philippines

Pic collage of Kathryn Bernardo’s birthday celebration with the children of NCF Philippines
Pic collage of Kathryn Bernardo’s birthday celebration with the children of NCF Philippines

Hindi naiwasang maluha ni Teen Queen Kathryn Bernardo nang alayan siya ng white roses ng mga batang natulungan nito through NCF Philppines, ang foundation na kanyang sinusuportahan sa post-birthday celebration nito na hatid ng nasabing foundation na ginanap sa KFC Capitol Hills, Quezon City kahapon, April 3, hosted by Star Magic PR Ms. Thess Gubi.
Maging ang ibang mga taong dumalo at ang kanyang very supportive mom na si Tita Minda (Bernardo) ay hindi rin maiwasang maluha.
Ang NCF Philippines na may motto na “Bawat Pinoy, May Ngiti” ay isang foundation na tumutulong at nag-aalaga ng mga batang may bingot or cleft lip and palate, kasama na ang pediatric consultation, genetic counseling , pre-operative NAM, surgery, speech theraphy, pedriatric and general dentistry, orthodontric treatment, at social services.
Masyadong na-touch daw si Kathryn Bernardo sa mga bata kaya bigla na lang tumulo ang luha nito. Ito na nga raw ang pinakamasayang selebrasyon ng kanyang kaarawan, dahil kasama niya ang mga batang natulungan ng NCF Philippines.
Hinihikayat nga nito ang lahat, maging ang kanyang mga kapwa artista, na suportahan din ang NCF Phils. nang sa ganun ay marami pang mga kabataan ang matulungan at mabigyan ng magandang future.

John’s Point
by John Fontanilla