Kathryn Bernardo, nakabalik na sa bansa matapos ang TV commercial shoot sa Thailand

ADVERTISING

Kathryn Bernardo, nakabalik na sa bansa matapos ang TV commercial shoot sa Thailand

Kathryn Bernardo
Kathryn Bernardo

Nakabalik na sa Pilipinas sina Kathryn Bernardo at Mommy Min mula sa ilang araw ring TVC shoot sa Thailand. Next year pa ipalalabas ang commercial ni Kathryn, pero at this early ay may preparasyon na para rito.

ADVERTISING

Hindi muna binanggit ni Kathryn kung ano ang commercial niyang ginawa sa Thailand, pero tiyak daw mae-excite at matutuwa ang fans ng dalaga sa bago nitong endorsement.

Sa nakaraang 6th Eduk Circle Award, pinarangalan si Kathryn bilang Most Influential Celebrity Endorser of the Year. Ibig sabihin, tinatangkilik ng tao ang mga produktong ini-endorse niya dahil sa kanyang magandang image. Ang suwerte naman ng mga kompanyang kumukuha kay Kathryn as their endorser.

Bukod nga pala sa pagiging Most Influential Celebrity Endorser, iginawad din ng 6th Eduk Circle kay Kathryn ang Most Outstanding Young Actress in TV award. Huling napanood si Kathryn sa teleseryeng “Pangako Sa ‘Yo” kasama si Daniel Padilla.

ADVERTISING

Samantala, kasalukuyan pa ring palabas sa mga sinehan ang “Barcelona: A Love Untold”. Isang buwan na ito sa mga sinehan, pero humahataw pa rin sa box-office. “Barcelona” is under the direction of Olive Lamasan and produced by Star Cinema.

La Boka
by Leo Bukas

ADVERTISING