Kathryn Bernardo, nailang sa sexy dance scene

Kathryn Bernardo, nailang sa sexy dance scene

Kathryn-BernardoMEDYO AWKWARD pala para kay Kathyrn Bernado ang sexy dance scene niya sa recent soap opera nila ni Daniel Padilla.

May isang eksena kasi sa teleserye nila kung saan she was asked to perform a sexy number.

Ang mas nakakaloka pa, pati damit ni Kathryn ay medyo sexy rin. Naka-spaghetti strap ang outfit niya at maraming fans ang nakapansin na parang papapunta na siya talaga sa pagpapa-sexy. Baka ito ang sinasabi niyang medyo mature na siya sa kanyang teleserye.

Sabi naman ni Kathryn, kailangan lang sa role niya ang medyo magpaseksi, pero hindi naman iyon sobra. Pero inamin niyang bukod sa “funny” ay “awkward” nga rin ang na-feel niya sa eksenang iyon.

Lex Chika
by Alex Valentine Brosas