Kathryn Bernardo, nagre-reyna sa primetime sa taas ng ratings ng serye

Kathryn-BernardoNARRE-REYNA PA rin sa primetime ang Kapamilya Teen Queen na si Kathryn Bernardo sa pangunguna at pamamayagpag ng soap nito sa ABS-CBN, ang remake ng Pangako Sa ‘Yo, ka-tandem ang Teen King na si Daniel Padilla.
Gabi-gabi nga ay mistulang nakatutok ang mga Pinoy maging ang ating mga kababayan sa ibang bansa, kaya naman sobrang taas ang ratings nito at pinakakain ng alikabok ang mga kapanabayang palabas sa iba’t ibang TV networks.
Marami nga ang nakapansin na sa pag-usad ng panahon ay mas lalong humuhusay bilang aktres si Kathryn, at kitang-kita ito sa kanyang pag-arte sa nasabing serye. Kaya naman marami ang humuhula na isa si Kathryn sa maituturing na pinakamahusay na aktres sa hinaharap sa liga nina Nora Aunor, Vilma Santos, Lorna Tolentino, Amy Austria, atbp.

John’s Point
by John Fontanilla

Previous articlePiolo Pascual, good karma pa rin sa kabila ng mga intriga
Next articleLiza Soberano at Enrique Gil, bagong Bea Alonzo at John Lloyd Cruz

No posts to display