Kathryn Bernardo, nag-sorry sa pag-isnab kay Direk Edgar Mortiz sa Star Magic Ball

ADVERTISING

Kathryn Bernardo, nag-sorry sa pag-isnab kay Direk Edgar Mortiz sa Star Magic Ball

Kathryn-BernardoNOW IT can be told. Si Kathryn Bernardo pala ang nag-isnab kay Edgar Mortiz nang um-attend siya ng Star Magic Ball.

ADVERTISING

Nag-tweet si Edgar na lahat ay binati siya except for someone.

“First time kong umattend ng Star Magic ball ang saya, natutuwa ako nakita kong lahat ang mga bulilit kids ko dati. Mga super sikat na sila, lahat lumapit at bumeso sa akin, isa lang ang hindi, pag sumikat ako di rin kita lalapitan.. Hehe,” tweet niya.

May nakahuli na si Kathryn ang nang-isnab dahil sa word na “sikat”. Tama nga ang hula dahil mismong anak ni Edgar na si Badjie ang nagbuking na ang leading lady nga ni Daniel Padilla na part ng Growing Bulilit noon ang nag-isnab sa director.

ADVERTISING

Agad-agad namang binash ng KathNiels ang anak ni Direk Edgar.

“pakisabi sa Tatay nyo bago mag post, alamin muna ang side n Kathryn,” say ng isang KathNiel fan.

“Wala ako sa ball. Di ko alam nangyari kaya wala ako sinasabi. Kung wala ka din don. Wag kang pabida. Nagusap na sila tumawag na si kat at nagsorry,” say ni Badjie.

“Kasi tapos na po. Nagsorry na. Nagkausap na sila. Di na kailangan ng mga ganyan. Nakakabobo for u,” dagdag pa niya.

Merong humanga kay Kathryn dahil nag-apologize ito kay Direk Edgar na sinagot naman ni Badjie ng, “Ganun naman dapat.magsorry kung may naoffend. Kahit di mo sadya na naoffend mo ang tao. Importante nkpagusap sila.”

Lex Chika
by Alex Valentine Brosas

ADVERTISING