Kathryn Bernardo, may dedicated song kay Daniel Padilla

Kathryn Bernardo, may dedicated song kay Daniel Padilla

Kathryn-Bernardo-Daniel-PadillaSUPER EXCITED na ang tinaguriang Teen Queen na si Kathryn Bernardo sa kanyang first album under Star Records, kung saan ni revived nito ang isa sa hit song ng Megastar na si Sharon Cuneta, ang “Mr. DJ”.
Tsika nga ng magandang teen actress, dedicated daw sa kanyang ka-loveteam at tinaguriang Teen King na si Daniel Padilla ang kanta.
Sana nga raw ay magustuhan ng mga tagahanga ni Sharon ang kanyang version ng nasabing kanta. Bukod sa kanyang self-titled album, naghahanda na rin si Kathryn sa teleseryeng pagsasamahan nilang muli ni Daniel. Isa rin ito sa bibigyan ng bituin ni Master Showman German Moreno sa Walk of Fame Philippines na magaganap sa Dec. 1, 2014.
Ang tambalan din nila ni Daniel ang tumanggap ng German Moreno Power Tandem sa katatapos na 28th Star Awards for Television.

John’s Point
by John Fontanilla