Kathryn Bernardo, matamis na oo ang regalo sa b-day ni Daniel Padilla?

ADVERTISING

Kathryn Bernardo, matamis na oo ang regalo sa b-day ni Daniel Padilla?

Kathryn-PadillaBIRTHDAY NI Daniel Padilla last Saturday. 19 years old na siya. Hindi niya alam na may surprise party siya sa bahay nila na dinaluhan ng mga showbiz friends niya, lalo na ang mga kasamahan niya sa teleserye na Got to Be Believe.

Andu’n si Carmina Villaroel na gumanap as her mom sa defunct show nina Daniel at kaparehang si Kathryn Bernardo.

‘Yun nga lang walang regalo si Kathryn sa binata. Ewan ko kung totoong walang material na regalo ang dalaga ayon sa kuwento ni DJ.

Pero kung hindi man material gift ‘yun, balita ko, ay ibingay na ni Kathrine ang matamis niyang “oo” sa binata na matagal na nanunuyo sa kanya.

ADVERTISING

Katatapos lang mag-debut ni Katherine. Panahon na marahil na p’wede na siya mag-boyfriend at ito’y walang iba kundi si Daniel.

Today ang concert ni Daniel sa Araneta Coliseum. Sa May 4 naman at kung walang pagbabagosa schedule ay ang blessing ng bagong bahay na ipinatayo ng teen heartthrob somewhere in Quezon City worth P30 million with seven to eight rooms para sa kanyang pamilya.

Next week dahil sa sunud-sunod na trabaho (series of shows with Yeng Constantino sa Dubai, Milan at Rome) at sunud-sunod na rehearsals para sa show niya tonight, DJ deserves a Boracay vacation with his family kung saan five nights sila sa isang very exclusive and expensive Discovery Shores Resorts.

I just don’t know kung susunod sa Boracay ang lady love ni DJ para naman magkasama sila. Lahat kasi ng mga pinagsasamahan nila ay puro trabaho at wala silang time para sa isa’t isa on a “very personal” level.

Reyted K
By RK VillaCorta

ADVERTISING