Kathryn Bernardo, mas mature na raw magdesisyon

Kathryn Bernardo, mas mature na raw magdesisyon

Kathryn Bernardo
Kathryn Bernardo

Halos pareho naman at walang major na pagbabago ngayong 20 years old na ang Teen Queen na si Kathryn Bernardo pagdating sa kanyang personal at showbiz life.
Nakausap namin si Kathryn Bernardo sa kanyang birthday celebration na hatid ng sinusuportahan niyang foundation na NCF Philippines last April 3, na ginanap sa KFC Quezon Avenue, Quezon City.

Tsika nga ni Kathryn, “Ang sabi ko nga, parang number lang ‘yung nabago. Ganun pa rin naman, wala namang pagbabago, ini-enjoy ko lang.

“Ang feeling ko, ang dami kong natutunan nung 2015, and excited ako sa mga mangyayari ngayong 2016.
“Alam ko na ‘yung gusto ko sa ayaw ko, alam ko na ‘yung tama sa mali, and ‘yung pag-handle ng mga bagay maturely, kasi nga 20 na.

“Actually, basically, ‘yun lang… bale nae-excite ako sa mangyayari ngayong 2016.”
Ano pa ang mga gustong gawin ni Kathryn ngayong 2016?

“As of now, hindi ko pa alam. Pero thankful ako, kasi kahit anong gawin ko, sinusuportahan nila. And hindi ko naman iniisip na author ka (Every Day KATH 365 Ways To Be A Teen Queen), singer ka na (Kathryn Bernardo self-title album under Star Music)… basta may gusto lang akong i-offer sa kanila na parang gift ko, ‘yun, ibinibigay ko sa kanila, and itong book na ito,” pagtatapos ng Teen Queen.

John’s Point
by John Fontanilla