Kathryn Bernardo, mas malalim na acting ang ipakikita sa bagong serye

Kathryn Bernardo, mas malalim na acting ang ipakikita sa bagong serye

Kathryn-BernardoMATURED KATHRYN Bernardo na raw ang mapanonood sa inaabangang remake ng sumikat na teleserye ‘di lang sa Pilipinas, kung hind maging sa ibang bansa noon, ang Pangako Sa ‘Yo na pinagbidahan noon nina Kristine Hermosa at Jericho Rosaes, at bibigyang-buhay ngayon ng tinaguriang Teen Queen Kathryn at Teen King Daniel Padilla.
Kakaiba nga raw ito sa nga nauna nang teleserye ni Kathryn, kasama ang kanyang ka-loveteam na si Daniel na kalimitan ay pa-cute na may halong kilig ang mga roles na ginagampanan ng dalawa.
Pero ngayon daw ay ang acting nina Kathryn at Daniel ang aabangan. At ang ilang maseselang eksena na magpapakita ng maturity ng pinakasikat na loveteam sa bansa. Pero hindi pa rin naman daw mawawala ang kilig factor sa teleserye na ito ng dalawa.

John’s Point
by John Fontanilla