Kathryn Bernardo, mabentang-mabenta ang self-titled album

Kathryn Bernardo, mabentang-mabenta ang self-titled album

1 Kathryn-BernardoLABAS NA sa mga record bars ang self-titled album ni Kathryn Bernardo under Star Records, kung saan laman nito ang hit remake ng song na “Mr. DJ” na unang inawit ni Ms. Sharon Cuneta at ngayon naman ay inawit ni Kathryn.
Balita nga namin ay selling like hotcakes na ang album ni Kathryn, kaya naman hindi malabong masundan pa ito ng pangalawang album. Sa ngayon ay busy si Kathryn sa promotion ng kanyang album.
Bukod sa kanyang album, busy rin si Kathryn sa paghahanda sa kanilang newest teleserye ni Daniel Padilla sa ABS-CBN, ang remake naman ng hit serye noong year 2000 na Pangako Sa ‘Yo, na unang pinagbidahan nina Kristine Hermosa at Jericho Rosales.

John’s Point
by John Fontanilla