Kathryn Bernardo, lumabas ang pagka-super generous

Kathryn Bernardo, lumabas ang pagka-super generous

Kathryn Bernardo
Kathryn Bernardo

Super generous pala itong si Kathryn Bernardo.

Imagine, nagtatabi pala siya ng pera para may maitulong sa mga batang may cleft palate.

“Kapag may extra (money) ka para sa mga bata para matulungan mo sila sa operation at sa maintenance. Ang ginagawa namin, every time na may bagong endorsement, may dalawang bata o isang bata na bibigyan namin ng help. Sa isang soap opera, may ilang bata na ‘yung pondo noon ay sa kanila. May deal kami ng mommy ko noon,” she related.

Si Kathryn ang ambassadress ng NOORDHOFF Craniofacial Foundation Philippines. Sa party sa kanya sa KFC recently ay napaiyak siya nang isa-isang nagbigay ng roses ang mga batang natulungan niya.

Lex Chika
by Alex Valentine Brosas