Kathryn Bernardo, kuma-Claudine Barretto sa “Barcelona”

ADVERTISING

Kathryn Bernardo, kuma-Claudine Barretto sa “Barcelona”

Kathryn Bernardo
Kathryn Bernardo

Naalala namin ang mga dialogue noon ni Claudine Barretto sa pelikulang Milan na “Mahal mo ba ako dahil kailangan mo ako, o kailangan mo ako kaya mahal mo ako” na almost similar din ang hugot sa dialogue ni Kathryn Bernardo sa “Barcelona: A Love Untold”.

Sa eksena kasi ni Kathryn habang kausap si Daniel ay sinabi nito na “Huwag mo akong mahalin dahil mahal kita. Mahalin mo ako dahil mahal mo ako, because that is what I deserve.” Kuma-Claudine Barretto ang eksena ni Kath na punum-puno ng emosyon.

Take note na si Olive Lamasan din ang director ng Milan nina Claudine at Piolo Pascual na ipinalabas maraming taon na ang nakararaan at lalong nagpatingkad sa career ni Claudine bilang aktres.

Base sa mga teaser ng pelikula, mukhang nag-succeed nga si Direk Olive na ilabas ang mga itinatago pa ni Kathryn. Teaser pa lang ‘yon, ha? Mas marami pa raw pasabog si Kathryn sa pelikula na dapat abangan ng moviegoers.

ADVERTISING

Kadarating lang ni Kathry at ng mommy niya from Thailand, kung saan nagsyuting ang dalaga ng shampoo commercial. Kung anong shampoo ‘yon, abangan na lang daw natin.

Anyway, kami man excited mapanood ang sinasabing transformation ni Kathryn sa “Barcelona”. Wish namin na tangkilikin ito hindi lang ng KathNiel fans kundi pati ng moviegoers na mahilig manood ng mga obra ni Direk Olive.

La Boka
by Leo Bukas

ADVERTISING