Kathryn Bernardo, humihingi ng bagong anak kay Daniel Padilla

ADVERTISING

Kathryn Bernardo, humihingi ng bagong anak kay Daniel Padilla

Kathryn-BernardoSA TUWING sasapit ang kaarawan ni Kathryn Bernardo ay may special na regalong ibinibigay sa kanya si Daniel Padilla.

Sa sasapit na birthday ni Kathryn sa March 26, ganap na siyang dalaga kung saan magarbong birthday celebration ang magaganap sa Blue Leaf Filipina at escort niya sa kanyang debut si Daniel.

Nag-request si Kathryn sa sikat na young actor na gusto niyang birthday gift ay isang aso na golden retriever.

Ang aso na ‘yon ay gusto ni Kathryn na idagdag sa mga anak-anakan nila ni Daniel. Mayroon na raw silang unang ‘anak’ ni Daniel na isa ring pet dog na pinangalanan nilang Cola. Nadagdagan pa ng isa na alaga naman ni Daniel. Kaya lang namatay nga lang daw ‘yung isang dog kaya nabawasan ang anak-anakan nila.

ADVERTISING

Tungkol naman sa tunay na relasyon nila ni Daniel. Very special but not official, ang sabi ni Kathryn sa relasyon nila. Alam na raw ni Daniel, pati na ng magulang nila ang ibig sabihin noon.

Inamin ni Kathyrn na hindi niya magawang mahalin nang todo si Daniel dahil magkaiba ang kanilang religion. Bilang isang Iglesia Ni Kristo ay bawal daw kay Kathryn na magkaroon ng romantic relationship na hindi nila kasapi sa INC.

Napag-usapan naman daw nila ni Daniel ang tungkol doon. Ayaw naman daw niyang i-pressure na sumama sa kanila. Kung sakali raw magpapa-convert si Daniel sa INC ay ‘di mahirap na magkaroon sila ng relasyon.

Sa ngayon, ini-enjoy na lang daw nila kung ano mayroon sila.

Oh. C’mon!
By Gerry Ocampo

ADVERTISING