Kathryn Bernardo, hindi na pabebe sa “Barcelona”

ADVERTISING

Kathryn Bernardo, hindi na pabebe sa “Barcelona”

Kathryn Bernardo
Kathryn Bernardo

Tiyak na maninibago ang fans ni Kathryn Bernardo sa latest movie niyang “Barcelona: A Love Untold” kasama si Daniel Padilla na showing on September 14. Kakaibang Kathryn daw kasi ang mapanonood ng mga tao sa movie.

Ayon sa mga nakasilip na ng pelikula, lutang ang pagiging aktres ni Kathryn sa mga eksena niya sa “Barcelona: A Love Untold”.

Sey pa nga ng iba, hindi na raw pabebe si Kathryn sa movie na karamihan sa mga eksena ay sa Barcelona, Spain pa kinunan. Maging si Daniel ay puring-puri rin ang pagkakaganap ng ka-loveteam sa pelikula.

Excited na rin ang KathNiel fans na suportahan ang movie ng dalawa. Kabi-kabila ang binabalak nilang block screening ng pelikula.

ADVERTISING

Kung hindi kami nagkakamali, ang “Barcelona” ang kauna-unahang matured movie ni Kathryn. Puro kasi siya pa-cute lang sa “Must Be Love”, “Crazy Beautiful You” at “She’s Dating The Gangster”.

Well, let’s see kung anong transformation ang ginawa kay Kathryn ni Direk Olive Lamasan para sabihing goodbye na sa pabebe role ang dalaga rito sa latest movie niya.

La Boka
by Leo Bukas

ADVERTISING