Kathryn Bernardo, handang pasampal kay Angelica Panganiban

Kathryn Bernardo, handang pasampal kay Angelica Panganiban

Kathryn-BernardoHINDI NAIWASANG matawa ng Teen Queen na si Kathryn Bernardo kaugnay sa tanong na kung handa ba itong masampal ni Angelica Panganiban para sa kanilang inaabangang soap na Pangako Sa ‘Yo sa ABS-CBN.

Tsika nga ni Kathryn, “Handa na. Kasi parang part talaga ng Pangako Sa ‘Yo ang mga sampalan, sabunutan, at ready na ako dyan.

“Excited ako, kasi si Ate Angelica ay nagpaalam naman siya. Tinanong niya nga ako kung ano ang gusto ko, daya o totoo. Sabi ko, totoo. Tapos kung may ayaw siya, sabihin na lang niya.

“Ayaw nga namin o lahat namang artista na may ka-akward-an o katampuhan sa set. Alam naman natin na ‘yun nga ang hinahanap ng mga tao, ganu’n nga ‘yung sa dati. Pero mas minodernize na nga lang natin, kasi hindi naman puwedeng puro mga sampalan lang,” pagtatapos ni Kathryn.

John’s Point
by John Fontanilla