Kathryn Bernardo, gustong i-improve ang PR

ADVERTISING

Kathryn Bernardo, gustong i-improve ang PR

Kathryn Bernardo
Kathryn Bernardo

Huwag pagtaasan ng kilay pero certified box-office actress talaga si Kathryn Bernardo, huh! Tatahi-tahimik lang siya, pero bongga ang kanyang achievement.

ADVERTISING

Ang medyo problema na lang siguro ni Kathryn ay ang obserbasyon ng marami na mahiyain siya at medyo kulang sa PR. But she’s working on it now sa tulong nanay  niyang si Mommy Min.

Alam n’yo ba na napakalaking pera na pala ang iniakyat nina Kathryn at Daniel Padilla sa Star Cinema dahil sa mga blockbuster movie na ginawa nila? Kapag pinagsama-sama ang gross ng ginawa nilang mga pelikula in five years, aabot na ito ng more than P1 billion. Yes, ganu’n kalaki.

Of course, naging posible ang lahat dahil sa support ng KathNiel fans at ng mga taong nagmamahal at naniniwala sa kanilang loveteam. Sabi nga ni Kathryn, “Hindi naman po namin ito mararating kung wala ang suporta ninyong lahat.”

ADVERTISING

Ito ang break down ng kinita ng kanilang mga pelikula: “Must Be Love” (P72.9-M), “Pagpag” (P177-M), “She’s Dating The Gangster” (P250-M), “Crazy Beautiful You” (P322-M) at “Barcelona: A Love Untold” (P200-M and counting dahil showing pa rin until now).

Ang KathNiel din pala ang youngest loveteam sa Philippine cinema na may ganito kalaking gross sa mga pelikulang ginawa nila sa loob lang ng limang taon. And siguro naman, walang magpo-protesta rito dahil kitang-kita naman sa record.

 

La Boka
by Leo Bukas

ADVERTISING