Kathryn Bernardo, gold na ang self-titled album

Kathryn Bernardo, gold na ang self-titled album

Kathryn-Bernardo-John-FontanillaHINDI PA man nagtatagal sa record bar ang self-titled album ni Kathryn Bernardo ay mag-gold na ito at habang tumatagal ay mas lumalakas pa ang benta nito.
Maaalalang noong Dec. 5, 2014 lumabas ang album ni Kathryn ay selling like hotcakes nga ito. Kaya naman daw sobrang happy ng Philippine Teen Queen dahil sa suporta ng kanyang mga tagahanga.
Naglalaman ang album ni Kathryn ng mga sure hit songs like “Mr DJ”, “Crush Ng Bayan”, “Love Has Come Way”, “Na Sa ‘Yo Rin Pala”, “Ikaw Na Nga Yata”, “K Tnx Bye”, “Temporary Deja Vu”,  at ang “You Don’t Know Me”.

 

Persida-Acosta-John-FontanillaPAO Chief Persida Acosta, may cameo role sa Maratabat

NAGING MATAGUMPAY ang panimulang pagpapalabas ng maganda, may aral at makabuluhang pelikula na Maratabat na mula sa mahusay na direksiyon ni Arlyn Dela Cruz sa pagdalo nina Robin Padilla at PAO Chief Atty. Persida Acosta na may cameo role bilang judge.
Ayon nga kay Atty. Acosta, ang ganda ng script at sa pagiging matalik nilang magkaibigan ni Direk Arlyn ang rason kung bakit tinanggap niya ang cameo role sa Maratabat at tuluyan nang pasukin ang pag-arte.
Dagdag pa ni Atty. Acosta na eye-opener daw para sa lahat ang pelikulang ito na nangyayari sa tunay na buhay. Almost 70% daw ng mapapanood sa Maratabat ay nangyayari pa rin hangang ngayon.
Marika-SasakiMarika Sasaki, good health, matatag na pananampalataya at magandang career sa 2015 ang birthday wish!

MAGANDANG PANGANGATAWAN, matatag na faith at mag-boom ang showbiz career. Ilan lang ito sa wish ng Japanese Pinay na si Marika Sasaki sa kanyang kaarawan.
Tsika nga ng versatile Japinay na si Marika sa taping ng kanyang birthday prod sa Walang Tulugan With The Master Showman last Friday, willing daw itong maghintay ng tamang oras para sa kanyang career.
Naniniwala raw ito na darating din ang magandang break sa kanya, kaya naman daw kapag nagkaka-project siya ay ibinibigay na niya ang kanyang 100% mapa-singing, acting, hosting at dancing.

John’s Point
by John Fontanilla