Kathryn Bernardo, ‘di sang ayon na pinag-aaway ang mga love team

Kathryn Bernardo, ‘di sang ayon na pinag-aaway ang mga love team

Kathryn Bernardo
Kathryn Bernardo

Hindi raw sang-ayon ang Asia’s Emerging Queen Actress na si Kathryn Bernardo na pinagsasabong ang bawat love team.
Dapat nga raw, nagsusuportahan ang bawat isa at hindi pinag-aaway. Tsika nga ni Kathryn Bernardo, “Suportahan natin ang bawat love team, kasi nasa iisang network lang naman kaming lahat.
“Ang importante ro’n siguro, bawat fan group, may kanya-kanyang sinusuportahan, ‘yun respetuhin ‘yung bawat sinusuportahan. Kasi at the end of the day, nagtatrabaho kami sa iisang network. Hindi talaga dapat siyang ginagawan ng issue.”
Hindi n’yo ba pinag-uusapan ni Daniel Padilla na dapat nagle-level up na kayo? “‘Yung sa amin kasi, dapat ‘yung mga taong sumusuporta sa atin, hindi sila mawalan ng rason kung bakit nila tayo sinusuportahan . With good projects and ‘yung quality… ‘yung pakikisama sa kanila. So, ‘yun hindi naman ‘yun mawawala.
“Sa amin naman kasi ni DJ, nag-usap na kami sa simula pa lang, ‘yung totoo lang ang ipapakita natin sa mga tao. Hindi natin kailangang ma-pressure sa iba.”

Kapag kayo na, kailangang umamin na? “Basta, kanya-kanyang diskarte lang ‘yan,” pagtatapos ni Kathryn.

John’s Point
by John Fontanilla