Kathryn Bernardo, ‘di napigilan ng bodyguard sa request ng fan

ADVERTISING

Kathryn Bernardo, ‘di napigilan ng bodyguard sa request ng fan


Kathryn-Bernardo
Mabait pala talaga si Kathryn Bernardo sa kanyang fans. Nag-post ang isang faney sa kanyang Twitter account tungkol sa kanyang naranasan kay Kathryn Bernardo. Sinabi niyang tuwang-tuwa siya dahil kahit na hinarangan na ng kanyang bodyguard si Kathryn ay hindi napigilan ang aktres na magpakuha ng selfie with her fan. Hindi akalain ng female fan ni Kath na gagawin iyon ng Kapamilya actress.

Siyempre pa’y tuwang-tuwa ang fan sa selfie photo niya with Daniel Padilla’s screen partner. Talagang napahanga siya sa ginawa ni Kath sa kanya.

Anyway, number one pa rin namang tambalan sa Dos ang KathNiel at naipakita nila ito when they won a few awards sa katatapos na LionHearTV RAWR Awards. They won these awards: Celebrity of the Year (Female) – Kathryn Bernardo; Celebrity of the Year (Male) – Daniel Padilla; TV Show of the Year – Pangako Sa ‘Yo; Trending Love Team of the Year – KathNiel; Movie of the Year – Crazy Beautiful You; Fan Club of the Year – KathNiel Kadreamers.

Lex Chika
by Alex Valentine Brosas

ADVERTISING
ADVERTISING