Kathryn Bernardo, ‘di na nako-conscious kay Daniel Padilla

Kathryn Bernardo, ‘di na nako-conscious kay Daniel Padilla

Kathryn-Bernardo-Daniel-PadillaHAPPY NA naman ang mga KathNiel Fans worldwide. Ang tagal din kasing nasundan ang project ng dalawa. Sa katunayan, matagal-tagal na rin naman na wala silang pelikula. Si Daniel Padilla, napanood sa nakaraang MMFF 2014 sa pelikulang Bonifacio ng Uncle Robin Padilla niya na hindi naman ganu’n ang inaabangan ng mga fans niya.

Maging sa telebisyon, panaka-naka na lang silang napapanood. Ang pinaka-last ay sa ASAP na pinagkaguluhan sila ng mga fans na umakyat sa entablado.

Sa pagbabalik-pelikula nina Daniel at Kathryn Bernardo, I’m sure, magbubunyi na naman ang mga solid KathNiel fans sa muling pagiging aktibo ng mga idols nila. Medyo matagal din kasing namahinga ang dalawa after ng kanilang pelikulang She’s Dating The Gangster na kung napanood mo, sa totoo lang, hindi naman talaga pelikula ito nina Kathryn Bernardo at Daniel Padilla, kundi pelikula ng screen love team na sina Dawn Zulueta at Richard Gomez.

Sa muling pagiging mainit ng tambalang KathNiel via Star Cinema’s Crazy Beautiful You na ipalalabas sa February 25 na, muling masusubukan kung gaano kalakas ang dalawa sa takilya.

No doubt na marami silang mga tagahanga. Hindi duda na magiging isang box-office hit na naman ito tulad sa mga previous movies nila.

Sa pelikula, makakasama nila si Iñigo Pascual. Hindi ko lang alam kung ang role ni Iñigo sa movie ni Direk Mae Cruz-Alviar ay kontrabida ang role niya dahil siyempre, hindi naman puwedeng maging love interest ni Kathryn si Iñigo sa pelikula dahil magagalit ang mga KathNiel fans, ‘di ba?

Bukod sa tatlo, makakasama rin nila sina Lorna Tolentino at Gabby Concepcion.

Sa huling pelikula ni Inigo na Relaks, Its Just Pag-ibig, napuna namin ang galing niya sa pag-arte. I just don’t know kung naalagaan si Iñigo sa pelikulang ito, the fact na pelikula ito nina Daniel at Kathryn. Aminin ko man, ‘di hamak na mas may lalim ang acting ni Iñigo kaysa kay Daniel.

Bukod sa pelikula nila, nakatakda rin i-air ang bagong teleserye ng dalawa na Pangako Sa ‘Yo na una naang ginampanan nina Kristine Hermosa at Jerico Rosales. Ang tanong, mapantayan din kaya ni Daniel ang galing sa pag-arte ni Echo na noong kabataan niya ay may brilyo na sa pag-arte?

Pero kung ang hanap mo ay ang ka-sweet-an nina KathNiel (off-cam), walang humpay ang ka-sweet-an nila. Kung titingnan mo at bibigyang-interpretasyon ang mga kilos nila sa set ng pelikulang Crazy Beautiful You, iisipin mong no words needed para sabihing sila na ngang dalawa.

Sa halos isang buwan nilang shooting sa Tarlac, sabi ng mga miron may “something” na namamagitan sa dalawa. Sa mga eksena nila, relax na si Kathryn na pumatong sa katawan ni Daniel na hindi na nahihiya or conscious lalo pa’t mas na-develop na ang mura at lean na katawan ni DJ.

Sa katunayan, mas brusko na ang binata kumpara sa mga huli niyang pelikula na lean and lanky siya na akala mo patpatin na walang ka-muscle-muscle sa katawan. Pero sa Crazy Beautiful You, mas brusko na si Daniel. Malakas na ang loob na mag-sleeveless shirt na ang namumuong mga muscles niya ay nakadaragdag ng kanyang sex appeal.

Ang tanong, sina Kathryn at Daniel na ba talaga? Sila na ba? Sa kilos nila, sila na nga. Alam n’yo naman ang mga artista puro deny, kung hindi man ay mga numero unong sinungaling.

Reyted K
By RK VillaCorta