Kathryn Bernardo, ‘di ka-level sina Barbie Forteza at Julia Barretto

ADVERTISING

Kathryn Bernardo, ‘di ka-level sina Barbie Forteza at Julia Barretto

Kathryn Bernardo, ‘di ka-level sina Barbie Forteza at Julia BarrettoSINO NGA ba ang mas sikat kina Kathryn Bernardo, Barbie Forteza at Julia Barretto?

ADVERTISING

Ito marahil ang naging basehan ng kumpanya na nagmamay-ari ng Juicy Cologone sa naging desisyon nila kung sino ang kukunin nilang celebrity endorser.

Matapos ang ilang meetings at deliberation, ang consensus ng mga big boss ay bagay kay Kathryn ang pagigig endorser ng pambagets na cologne.

Mas sikat siyang ‘di hamak si Kathryn kaysa sa dalawa. Si Julia, nagsisimula pa lang ng kanyang career kaya hindi pa siya ganu’n kakilala. Si Barbie naman, kilala man ng fans at ng showbiz, pero ‘di hamak na mas malayo ang agwat ni Kathryn kung kasikatan din lang naman ang pag-uusapan.

ADVERTISING

Kung sa bagay, bagay sa dalaga na maging endorser dahil kami mismo, nabanguhan sa scent ng iniendorso ni Kathryn.

And guess kung bakit palaging hawak-hawak ni Daniel Padilla ang kamay ng dalaga tuwing magkasama sila, sabi ni Kathryn, “Nababanguhan daw po siya sa kamay ko.”

Pero kumusta kaya ang teleserye nila ng kapareha na Got To Believe na naudlot ang pagpapalabas sa Kapamilya Network matapos na mai-launch na ito sa media?

“Super taping po kami. Gusto po nila (ABS-CBN) na may reserve po kaming mga episode. Kulang pa po kasi ang stock namin kaya para sure, tape kami nang tape, kaso nag-uulan lalety,” kuwento ng dalaga.

Reyted K
By RK VillaCorta

ADVERTISING